OHYOID gozaimasu!

I guess, you are wondering what Hyoidz is right? Well, it is a bone. Ask our biology teacher if you dont believe me. xp But aside from being a part of the skeletal system, the name “Hyoidz” holds a special meaning in our hearts.

THE HISTORY:

Nasa Biology class kami noon ni Mr. Samonte (Biology teacher duh!), dinidiscuss niya ang mga buto sa ating mga katawan at kung ano ang mga gamit nito. Hanggang sa mabangit nya ang butong nag ngangalang HYOIDZ.

Dahil sa wala na talagang magawa sa buhay si Lala, humarap siya kay Louie at sinabing “HYOID ka!” (Gets? Hindi? SLOOOOOOW! >:p) At doon nag umpisa ang aming samahan.

Basically, ang grupo namin ay nabuo dahil sa galit namin sa isa naming kaesklwela. Para kaming anti churva na clan. As in sobrang galit talaga kami doon sa classmate namin iyon dahil sa mahilig siyang magpaawa, malikot ang kamay, etc etc.Pero nagpapasalamat din kami sa kanya kasi kung hindi ganon ang pag uugali niya e baka hindi kami nabuo.

A group which was created becaus of hate. But then in the end, kahit hindi na kami galit sa kanya (halos), e buo pa din naman kami. Standing strong nga e. ^^

THE FRIENDSHIP, THE STRUGGLES:

Kami `yung tipong hindi na halos nagkakahiyaan sa isa`t isa. Natatandaan ko pa dati na pinaghatihatian namin ang isang bilong spag na dadalawa lang ang kutsara. Syempre, umiikot yung kutsarang iyon. Hindi naman iniintindi kahit na magkahalo halo na ang mga laway namin sa straw o sa tinidor, ganon na siguro kami kakomportable sa isa`t isa. Hindi din kami nagdadalawang isip na sabihin ang aming mga sikreto sa isa`t isa kasi alam naman namin na hindi nila ipagkakalat `yon tulad ng iba. Hindi kami plastik. Prangkahan kung kinakailangan na. At wala ding nang-iiwan sa ere.

Minsan talaga dumadating ang mga problema sa grupo namin. Pero ang pinakamatindi siguro e noong nag away kami ng isa kong kaibigan doon. Nagkahati hati, nagkampihan. Pero in the end, bumalik na din naman sa dati. May mga umalis sa grupo at sumali sa iba. Masakit man pero wala kaming magagawa. Basta ang alam namin, sa bandang huli e malalaman namin kung sino talaga ang totoong may pakialam sa grupo naming iyon.

THE MEMBERS:

Kami yan! XD

Louielyn Empaynado aka Louie

  • Hyoid #1
  • Matalino, masipag mag-aral
  • Honor to!! HAHA!
  • matino sa unang tingin, pero pag nakilala mo na….HAHAHAHA!
  • mabait na anak ^^

Saramae Feliciano aka Lala

  • Hyoid #2
  • dancer to e. As in super adik sa pagsasayaw
  • Member ng choir sa kanilang simbahan
  • Mababaw ang kaligayan
  • Adik sa energy drink na “Sting”
  • Pinakamatakaw
  • Mahilig sa picture
  • Mahilig dumila lalo na pag sumasayaw (bibilangin pa namin kung ilang beses syang didila pag sumasayaw XD)
  • “Swifters” siya kasi fan siya ni Taylor Swift XD

Karra Fenine Lopez aka Karra

  • Hyoid #3
  • pinaka isip bata
  • mapanira ng araw yung mga jokes
  • matakaw, pero hindi tumataba
  • super sa likot! kaya nagkakawalaan ang mga gamit e
  • may manliligaw na may ari ng isang rice mill XD

Sharmaine Roxas aka Pong

  • Hyoid #4
  • adik sa Korean group na DBSK at UKISS
  • drug addict :p
  • has a non “tibokable” heart
  • timawa queen
  • pinaka maingay
  • once in a blue moon lang makitang umiyak
  • caffeine addict. Kayang umubos ng 10 tasang kape sa isang araw
  • sinabihan si sir na “mabahag ka” imbes na “mahabag ka”
  • takot sa mga salitang RuleR, thRee, at lyRics

Annalou Pallarca aka Ann

  • Hyoid #5
  • MVP ng grupo. lahat kasi ng sport sinasalihan HAHA!
  • pinakatahimik
  • hindi mahilig magtext (irony to)
  • pinakaemo sa grupo
  • adik kay Sarah Geronimo
  • galit ata sa Kimerals HAHA!

Jemimah Michelle Tamor aka Meymi

  • Hyoid #6
  • maraming “bhe”
  • maraming “anak”
  • adik sa anime
  • bampira ng grupo. Matutulog yan ng 3 ng madaling araw tapos papasok ng 6:30 sa school. Kaya lalong lumiliit yung mata e! HAHA!
  • pinakamakakalimutin
  • walang sense of direction
  • editorial cartonist ng aming paaralan
  • loves math but HATES math club

Maryelle Grace Joy Samson aka Mika

  • Hyoid #7
  • Member din ng NGT
  • adik din sa DBSK
  • pinakamagaling magpatawa
  • adik sa internet
  • matindi kung bumanat, yung tipong ayaw mo na siyang pagsalitain pa HAHA!
  • adik sa Korean

Leslee Cruz aka Lee

  • Hyoid #8
  • Mahilig din sa DBSK, SHINee at Big Bang
  • adik din sa anime
  • mahilig magsulat ng story pero wala pa syang natataposs ni isa
  • mas matakaw
  • maingay
  • pinaka unique ang tawa na mahahawa kayo pag narinig niyo iyon (ganon ba talaga akong tumawa? HAHA!)
  • may trauma sa Diabetic
  • very open sa grupo
  • kinamumuhian ang MATH
  • madaling paiyakin
  • kasama ni Pong sa pagkain ng banana cue
  • brutal
  • memeber ng NGT

Danielle Cruz aka Dana

  • Hyoid #9
  • Member ng NGT
  • mahilig sa “daga”
  • adik
  • mahilig sa proven
  • masarap kasamang manuod ng horror sapagkat siya ay matatakutin
  • pinakamaliit sa Hyoidz
  • malnourished XD
  • takot sa gurong may logic
  • Mathematician siya pero ayaw niya sa Math
  • montik ng maging honor (pang-11 sya e)

Jannielynn Reyes aka Lynn

  • Hyoid #10
  • Adik din sa DBSK
  • matakaw
  • pinakabata sa Hyoidz
  • mahilig mag pa excuse sa klase at gumala
  • supplier ng pocket book
  • hindi mo alam kung bakit, pero pagkasama mo siya, ,matatawa ka na lang bigla
  • campus journalist

Camille Anne Bonafe aka Mille

  • Hyoid #11
  • adik sa My Chemical Romance
  • adik na adik
  • mas maingay
  • komposer ng kaadikan
  • mahilig mang asar

Ria Anne Reyes aka Ria

  • Hyoid #12
  • pinakamatalino
  • valedictorian noong elem, 1st honor ngayong HS
  • inside boil (tagalugin niyo. nasa dictionary namin yan HAHA)
  • adik sa choco mucho
  • source ng aming assignment XD
  • taong may logic
  • laging katabi si Pong kaya napariwara buhay ni Pong, sabi ni Pong yan.

Kung inyong mapapansin, may stages ng maingay at matakaw diyan. Pagsunod sunorin niyo na lang HAHA!

At kung mapapadaan dito ang mga nasabing tao sa taas, oo, copy paste lang yan sa site natin HAHA!

THE FACTS:

  • Nabuo naman sila noong second year high school
  • Ang karamihan dito ay magkakaeskwela na since elememtary
  • Theme song e “Saan na nga ba ang barakada”. Saktong sakto kasi siya e :p
  • Laging may mga bitbit bitbit na pagkaen..as in lagi!
  • Motto ang “Don`t hurt aliens, let’s kill them!”
  • “Alien” ang tawag sa kaaway nila
  • Mahilig mag KTV, lalo na pag tapos na ang exam
  • Mahilig din mangraid ng mga bahay
  • Madalas tumambay sa AJ’s canteen na makikita sa labas ng eskwelahan
  • Uupo sa gitna ng gym ng school at mag iingay
  • Minsan naman e sa stage sila uupo
  • Maraming kaadikang ginagawa sa buhay
  • Pag nagpaplano sila e hindi din naman natutuloy, kaya agaran sila kung magdesisyon
  • Humihiga na lang bigla kung saan saan

2 responses to “OHYOID gozaimasu!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: