When I Found My Match ♥

 

 

Characters:

(color coding tayo mga kapatid ^^)

 

+ Alex Eves : an 18 year old bad chic. Adventurous and a trouble maker. Absolutely loves to party.

+ Kyle Jung: 20 years old. The typical boy next door type.  Half-Korean, Half-Filipino.

+ Emily Garcia: 18 years old. Alex’s one and only friend. Loves to party.

+ Jenny Montalban: 19 years old. Kyle’s goody-two-shoes ex girlfriend.

+ Ravle Santos: 22 years old. Kyle’s cousin.

+ Dylan John Fajardo: 23 years old. The drummer and the leader in Alex’s band called “Blue Rose”. Oldest among them.

+ Sam Fernandez: 22 years old. The lead  guitarist in the band.

+ Anthony Fernandez: 22 years old. Twin brother of Sam Fernandez. Guitarist in the band.

+ OTHERS


Disclaimer

I do not own the characters of this story, pictures are only used for fictional purposes. Any related events and happenings is purely coincidental.


TEASER:

So they say I’m bad. Always doing things that I shouldn`t have done. They say I have no manners or whatsoever, as if my parents didn`t give me any education. Always a regular on clubs, drinking till my stomach is filled with liquor. They say I’m evil. They say I’m a disgrace. But my response is, “the hell I care!”

Yes. I admit that I’m all of those things, but our world is also immoral. So bakit pa ako magpapakahirap na maging mabait kung alam ko namang sasaktan lang ako ng ating mundo pag ginawa ko iyon?  Might as well live like this. No worries, no problems. Ini-enjoy lang ang buhay.  Party party! \m/



Chapter One

My life as it is

 

Alex’s POV

 

It was about 4am when I reached our house, and I, for one, is heavily drunk. Kakagaling ko lang sa club noon kasi malapit ng ikasal yung drummer ng banda namin. Hindi talaga namin aakalain na ikakasal na `yung kaibigan naming iyon. Bakit? E g@go yun e! Pano ko nasabi `yon?  Una, super playboy yun. `Yung tipong mas madami pa `yung girlfriend niya kaysa sa damit niya. Pangalawa, mahilig makipag-away iyon, para ngang ginawa na niyang daily routine yun e. Haaay… Tapos ito namang fiancee niya e anghel inside and out. Siguro, sila na ang the best example ng kasabihang “Love is Blind” don`t you think? HAHA

I tried to open the door but it wouldn`t bulge. Psh. Nilock na naman siguro nila `yon ng hindi ako makapasok. Bait nila no? >:/

Actually, hindi ito ang first time na nangyari ito. Tuwing pupunta talaga ako ng club o magpaparty e inilolock nila iyan at hindi bubuksan hangga`t hindi nagse-seven ng umaga. Kahit bumabagyo o nasusunog na ako sa init, wala silang pakialam.

Oo nga pala, ako si Alexandra Eves, Alex na lang for short. 18 years old na ako. Mayaman, maganda (sino kontra?!) at talented. San ako nag-aaral? Psh. Matagal na akong dinrop-out nila mommy sa school kase hindi naman daw ako pumapasok. Sayang lang ang pera nila sa pangtuition ko, pati na din ang gasolinang nagagamit nila dahil lagi silang ipinapatawag ng principal namin.

Hindi naman talaga ako rebelde dati e. Sa katunayan nga e mabait at masunurin akong bata no`n. Hanggang sa maghiwalay si mommy at daddy. Close kasi kaming lahat e, tapos biglang, boom! Hiwalay na sila. I tried to cope with the situation naman e. I even tried to befriend my peverted step-dad who tried to rape me once. Tried lang, hindi nagsucceed. HAHAHA, lul kase e, hindi man lang alam na black belter ako sa Karate, nabalian tuloy ng braso HAHA! Of course, nag made up yung asshole ng stupid story na sinaktan ko daw siya on purpose kasi ayaw ko daw sa kanya bilang ama (which is true actually), at si inay naman e naniwala. She almost kicked me out of the house then. Haller! Mas paniwalaan daw ba `yun kaysa sa anak?!

Mula noon, natuto akong uminom at magclub club. Naging rebelde ako at natutong makipag away sa kanto. My life became a mess, but I don`t mind. In fact, I think I’ve become much happier now than before. I felt the sense of freedom noone else seems to understand. Just thinking about it makes me high. Nga pala, hindi po ako nagdadrugs. Baka akalaen niyo nagdadrugs din ako e HAHA.

Nahiga ako sa lapag at ginamit na unan yung gitara ko. Wala na akong pakialam kung pagtinginan o pagtawanan ako ng mga makakakita sa akin. Bakit ba?! E sa nahihilo na ako e. And besides, I’m used to it anyway :/

Makakatulog na ako ng may naramdaman akong sumipa sa balikat ko.

“Kama na pala ang sahig ngayon no?”

I don`t even have to open my eyes to know who he is…or she by that matter. “Emily, mamaya mo na ako sipaen. Antok na ako -_____-“

I heard her sigh. “Tara na nga muna sa amin. Dun ka na matulog.” Tinulungan niya akong tumayo at inalalayan papunta sa kotse. And then we made our way to her apartment.

Si Emily nga pala, ang aking best-es friend. Siguro, kung meron akong isang pinakatetreasure dito sa Earth, siya `yun. Siya lang kasi `yung talagang masasabi kong totoo sa akin. And like me, her life has also been a living hell. Rebelde din itong brhang to e HAHA. Maybe that’s one of the reasons why we are close. We had been through so much that we knew we had enough. We both wanted to be free. And now, well, I guess we are.

I don`t know what happened after that. Nagblack out na kasi ako.

 

 

Chapter Two

Not the best of meetings…



After twelve hours e hyper na ulit ako. Hangover? Hindi nag-e-exist sa sistema ko `yon! Asteg no?

“Ly, alis na muna ako. Tutugtog `yung banda namin ngayon e.”

“Sige. Sunod na lang ako mamaya.”

“HAHA, bahala ka. Sige. Bye.”

At after no`n e naglakad na ako papunta sa sakayan ng jeep.

Isang taon na tong banda namin. Hindi ako ang nagpasimunong gumawa nito, inaya lang ako ng mga pinsan ni Emily na sumali. Since wala naman akong ginagawa, pumayag ako. More on classic rock ang pinatutugtog namin kaya madalas kaming tumugtog sa mga party o sa mga clubs. Hindi man halata pero in demand ang banda namin. Bakit? Hindi ko nga din alam e. Alam ko lang e trip trip lang itong banda naming ito. Sabi ng ibang nanunuod e magaling kasi kaming lahat e. Tapos yung iba naman e may certain angst daw kami na wala `yung iba. Meron ding nagsabing nakakaadik yung mga tinutugtog namin.  Tipong ma-LSS ka. At yung natira naman e either nagagandahan o nagagwapuhan sa amin. HAHA, babaw ng fandom no? Well, that’s life. HAHAHA! Posisyon ko do`n? Ako lang naman ang vocalist nila \m/.

Nga pala, “Blue Rose” pangalan ng banda namin. Aaminin ko, kahit ako e hindi alam kung bakit ganyan `yung ipinangalan nila sa amin. At least hindi nilang ipinangalang “Tear here” yung banda di ba? Makakasakal na lang talaga ako pag ganon HAHA.

Malapit na ako sa sakayan ng jeep kaya kinapa ko `yung wallet ko. Out of habit na lang siguro kasi dati sumakay ako tapos naiwanan ko pala wallet ko. Hey, kahit rebelde ako hindi ako `yung tipong hindi nagbabayad. Kakaguilty kaya.

Pagkakuha ko sa wallet ko e binuksan ko ito.

O_O <– my reaction

Huta! Piso na lang laman! Amp. Pano na ako pupunta nyan sa gig namen? Hindi naman na ako pwedeng humingi ng pera kay Emily. May hiya din naman ako no!

Tumingin ako sa paligid tapos may nakita akong isang lalaking may kausap sa cellphone niya. Gwapo siya kung tutuusin, parang Koreano. I want nobody nobody but you! HAHAHA lul ka talaga, Alex. Imbes na ang problemahin mo e kung pano ka makakapunta sa iyong paroroonan e kung anu-anong kalokohan pa `yang iniisip mo. Teka… I just had an idea. Genius ko talaga HAHA!

Dahan dahan akong lumapit sa lalaki. Mukha namang hindi niya ako nararamdaman kasi busy siya sa pakikipag-usap sa kung sino man kausap niya. Tapos, dahan dahan kong kinuha yung wallet niya sa bulsa. HAHA, told ya I’m talented! Talented Magnanakaw! HAHAHA.

Paalis na sana ako ng biglang…

“Hoy! Magnanakaw!”

Sinubukan niyo akong habulin pero nakasakay na ako sa paalis na jeep kaya hindi na niya ako naabutan. Sorry bro. Desperate calls for desperate measures.

 

 

 

Tapos na ang gig namin at, as usual, e successful siya. Nag-iinuman kami ng lumapit sa amin yung may-ari ng club na pinagtugtugan namin.

“Nice work you guys.”

“Thank you po.

“Sayang nga e, hindi nakita ng pinsan ko `yung pagtugtog niyo. Excited pa naman siya na marinig kayo.”

“Eh nasa`n po ba siya?” sabi ni Dylan. Siya ang drummer at leader namin. Siya ang may pasimuno ng kalokohang ito HAHA! Siya din `yung sinasabi ko na malapit ng ikasal. (see chapter 1, first part)

“Ewan ko nga e. Kanina pa nga dapat siya nandito.”

And as if on cue, bigla naming narinig na may pumasok sa loob ng room namin. Tumingin si Mr. Club Owner at ngumiti. Hindi ko naman makita kung sino yung pumasok kasi nakaharang siya sa view ko.

“Ba`t ngayon ka lang?” sabi ni Mr. Owner. Uminom ako ng isa pang shot at kumaen ulit. Wala naman kasi akong interes na pakinggan `yung pag-uusapan nila e.

“Nanakawan kasi ako e. Nilakad ko na lang tuloy to.”

Nung narinig ko `yon, montik ko ng maibuga `yung iniinom ko. Possible kayang… hindi naman siguro. Coincidence perhaps? And besides, madami kaming magna dito sa Maynila. Tama Tama.

Pero pa`no kung siya nga `yun? T—-T

“Nga pala `insan. Eto `yung banda na sinasabi ko sa`yo dati. Sayang hindi mo sila naabutan.”

“Sige lang `insan, humarang ka pa diyan ng hindi ko sila lalo makita.”

“Ay, sorry hehe.”

Umalis si Mr. Owner para makita kami nung guy. Tiningnan ko siyang mabuti, tapos siya naman e bigla ding napatingin sa akin.

“Ikaw nga!” Take note. Pareho pa kaming nakaturo sa isa’t isa diyan.

Itinago ko `yung ulo ko sa likod ng gitara ko. I know, stupid thing to do since nakita na niya ako, pero `yun lang talaga ang naisip kong gawin ngayon e. God, I’m soooo dead.

“Kyle magkakilala kayo?” tanong ni Mr. Owner habang ito namang lalaking ito e hinihila palayo `yung gitara ko para makita ulit `yung mukha ko.

“Oo. Siya `yung nagnakaw ng wallet ko e!”

“Wallet mo na bebente lang ang laman! Nalugi pa nga ako dun e!”  Tumawa ang lahat pagkasabi ko no`n. Pero itong si Kyle e Nag-usok ata `yung ilong sa galit kaya malakas niyang hinila `yung gitara ko kaya napunta ito sa kanya. Well, totoo naman e. Bente lang naman at twenty-five cents ang laman noon. Buti na lang at halos sampung piso lang `yung pamasahe ko sa jeep kundi patay ako. -________-

“Naman Kyle oh. Alam mo, babayaran ko na lang `yung bente pesos mo ng maalis na `yang init ng ulo mo.” God bless you sir. Wala pa kasi akong pambayad e HAHA

“Ayoko! Ang mga kasalanan e dapat pinagbabayaran!” pinatayo niya ako at sinimulang hilahin palabas ng VIP room.

Honestly, all this for just twenty pesos? -_____-

Chapter Three

The offer

 

After ilang oras ng hilahan at sigawan e nakarating na din kami sa presinto. Pinipilit ng mga kaband ko itong si Kyle na makipag-compromise na lang para hindi na niya ako ipakulong, habang ako, ito, nakaupo lang at tinitingnan kung may split ends ako. I know, I know, dapat tinutulungan silang mapapayag itong kulugong ito, pero naiinis talaga kasi ako sa kanya e, bente lang naman kasi `yung nanakaw ko pero kung umasta e parang nawalang ng isang milyon. Psh, over reacting freak >:/. And besides, ilang beses na din akong nakulong kaya parang wala na din sa akin `to.

“Sir, wag niyo na pong ipakulong `tong loko-lokong `to. Promise, hindi na niya kayo nanakawan… iba na lang siguro HAHA.” Binatukan ko si Sam sa sinabi niya. OK na e, dinagdagan pa. “Aray naman Lexi! Masakitt `yun ah!”

“Ikaw naman kasi e! Pinapalala mo pa.” sabat ni Anthony. He and Sam are actually identical twins. Cool no? Mas matino nga lang si Anthony HAHA!

“Bakit ka ba kasi nagnanakaw, Alex.” Nalaman ko na Ravle pala ang pangalan nung owner nung bar at magpinsan sila ni Kyle. Gwapo siya kung tutuusin, moreno na matangkad. Mabait din siya kaya hindi masyadong magregister na blood related sila nitong si Kyle. Masama kasi ugz nun e. HAHA

“Pinag-utusan kasi siya ng mafia leader na magnakaw siya kundi sasaktan siya pag wala siyang nauwing pera. Ulila na kasi itong si Lexi kaya nagpagala gala siya dati sa lansangan. Hanggang sa isang araw e nakita siya ni Nakamura at kinukkop siya. Hindi niya alam na mafia leader pala `yun kaya `yan `yung nangyari sa kanya. Minsan naman inuutusan siyang magtinda ng sampaguita —-“

“Heh!” Binatukan ni Dylan si Sam. Napaka weird naman kasi ng story nun e. -_________- “Ganito po kasi talaga `yan —“

Makasabat na nga, baka kung ano pa ikuwento nito e. “Pinagsaraduhan kasi ako ng pinto ng mga magulang ko kanina kaya hindi ako nakahingi ng pera. Tska as if naman bibigyan nila ako ng pera e, kailangan ko pa silang pilitin.”

“Excuse me muna.” hinila ni Ravle si Kyle palayo at nagbulungan sila do`n sa sulok. Nakita kong kumunot `yung noo ni Kyle sa sinasabi ng pinsan niya, pero pamaya maya e ngumisi siya.


THAT CAN`T BE GOOD RIGHT?! >.<

 

After ng ilang segundo pa e bumalik na sila sa dati nilang pwesto.

“OK na, hindi na magsasampa ng kaso si Kyle laban sa`yo.”

“Yown!” Naghigh-five ang kambal sa sinabi niya. Oh please, base sa nakita ko kanina, alam kong may kasunod pa `yan.

“Pero…may kapalit.” See? -_____-

“Ano naman `yun?”

“Magiging asawa kita.”

“T*ngina mo!” Ulul ata `to e! Ano feelong niya? Isa itong drama sa TV? Ikulong niya na lang ako!! >:/

“It’s not what you think it is, Alex. Hindi ka naman talaga magiging asawa nitong si Kyllle, magpapangap ka lang.”

“Tska as if naman magugustuhan kita no. Mataas standards ko.”

“Psh. Suntukan na lang tayo sa labas oh!” Palagay niya sa akin? Cheap?! My temper is reaching its peak. >:/

“Teka muna, siguro naman pwede niyong iexplain sa amin kung bakit ganyan `yung gusto niyong mangyari para mabigyang linaw ang lahat, di ba?”

“Ganito kasi `yan. Dadating kasi `yung mga magulang ni Kyle next month, at ang usapan e dapat may gf o wifey na siya no`n para siya `yung official na mamahala ng compay ng daddy niya. Pag wala pa din, edi sa pinsan niya mapupunta `yung kompanya.”

“E ba`t dun mapupunta e si Kyle naman `yung anak nila?”

“Ewan ko nga e. Weird kasi sila tita HAHAHA!”

“Pa`no kung tumanggi ako? Anong gagawin niyo?”

“Edi ipakukulong kita.”

Hinarap ko `yung pulis na parang tuwang tuwa pa habang pinapanuod kami. “Manong, ikulong niyo na po ako.”

 

 

Kyle’s POV

 

Pinanuod ko lang yung mga kabanda ni Alex, pati na din yung magaling kong pinsan, na kumbinsihin siya na pumayag na sa gusto naming mangyari. Aish, it is not like I want to have her as my “wife” and all, wala na lang talagang choice. I mean, come on! Look at her! Parang miyembro ng kulto ang itsura, at may pagka amazona din na hindi mo maintindihan. Ayoko pa naman ng ganung mga type. I don`t like wild people. -_____-

Pero kahit papaano naman ay natutuwa ako sa kanya. Hindi kasi siya `yung desperada na gagawin ang lahat `wag lang makulong. At least, malakas sense of pride niya.

Oo nga pala, ako si Kyle Kim, Half-Kor, Half-Fil. Twenty na ako at kakagraduate ko palang ng kursong Business Management sa UP Diliman. Hindi naman sa nagmamayabang pero cum laude lang naman ako do`n HAHA! Ang pinagkakaabalahan ko ngayon? Eto, `yung paghahanap ng pwedeng magpanggap na asawa ko para hindi mapunta sa pinsan ko `yung kompanya ni daddy. Haaay, kung hindi lang nakipagbreak sa akin si Jenny hindi sana ako naghihirap ng ganito. At hindi lang pampapanggap `yung gagawin namin kasi aayain ko talaga siyang magpakasal. Kaya lang mas pinili niya ang pagpasok sa isang modelling agency sa UK kaysa sa akin. Haaaay…. :( :(

After ng kalahating oras ng hiyawan at batukan, naipasok na din si Alex sa loob ng kulungan. Mukha ngang nagrelax siya nun e. Sabagay, nalayo na kasi siya sa makukulit niyang kabanda at isang maingay na Ravle. Peace and quiet right? ^^v

“`San, tara na nga.” ramdam mo talaga `yung depression sa boses niya, pumalpak kasi `yung “Grand Master Plan” niya e, HAHAHA!

Lumabas na kami sa presinto at sumakay sa kani-kanilang mga sasakyan. Pagpasok ko, kaagad kong nakita `yung gitara ni Alex sa likod. Ewan ko ba, napangiti na lang ako ng maisip ko `yung babaeng `yun. Weird ko din no? Kanina lang badtrip na badtrip ako sa kanya, ngayon naman e natutuwa ako.

Hmmm…Am I interested in her?

Nah ~ :)))

 

 

Chapter Four. One

The Weak Side of Me

 

 

Alex’s POV

 

“Eves lumabas ka na diyan. Laya ka na.”

Ngingiti-ngiti akong lumabas ng kulungan na nagsilbi ding tahanan ko sa loob lamang ng sampung oras. Ayos din `tong mga kabarkada ko ah, bilis makadekwat ng pera pampyansa ko HAHAHA! Big time siguro `yung nadukutan nila :p

Sasalubungin ko na sana sila ng yakap at batok pero napahinto ako sa nakita ko sa harapan ko. Hindi sila Dylan ang andito, kung hindi ang mga magulang ko. Patay na, katakot takot na sermon na naman ang aabutin ko nito! Get ready Alex… ayan na ang armalite ni inay na malupit… in three… two…one…

“Alexandra, pagod na pagod na kami ng daddy mo sa pagrerebelde mo. Nakakahiya na din na laging nababalita sa atin na lagi kang nasa kulungan dahil nagnanakaw ka.”

“Sa tingin mo, sino ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito?”

“Hey brat! `Wag mong sagutin `yung mommy mo ng ganyan!”

“Huwag ka ngang mangialam! Usapang pamilya ito, at sa pagkakaalam ko, hindi ka parte ng pesteng pamilyang ito!”

After kong sabihin `yun, nakatanggap ako ng malakas na sampal galing kay mommy. Wala sa akin ang sakit na idinulot ng sampal na iyon, mas nananaig pa din kasi `yung sakit na kaya niya akong saktan ng dahil lang sa kanya. “That’s enough! You have no right to talk to him that way.” She was sending daggers at me, but all I can do is look at the ground. Ano nga naman ba ang pinagbago `di ba? Mas mahal pa niya `yang lalaking `yan kaysa sa akin at matagal ko ng alam `yun.

Huminga ng malalim si mommy at tumingin ulit sa akin. Tinging parang isang insekto ang nasa harapan niya at hindi anak. “That’s the last straw, Alexandra. Hindi ka na namin kaya! Arthur kunin mo na `yung bag niya sa sasakyan.”

Tahimik lang ako habang kinukuha ni Arthur `yung bag ko sa kotse. Actually, hindi lang siya bag, isa siyang malaking bag at maleta. Sa totoo lang, matagal ko ng ineexpect na mangyayari ang araw na ito. Tingin ko nga e sobra akong magiging masaya kasi mahihiwalay na talaga ako sa mga taong akala ko e magpapasaya sa akin. Pero habang binibigay sa akin ni mommy `yung mga gamit ko at sinasabing hindi na ako maaaring bumalik ng bahay, bakit parang ang sakit sakit? Bakit parang sumasabog ang emosyon ko habang unti unti akong lumalakad palayo sa kanila?

Tumingin ako sa madilim na kalangitan, at mula noong araw na iniwan kami ni daddy sampung taon na ang nakakalipas, ngayon ko lang ulit naramdaman ang pagpatak ng aking mga luha.

 

 

Kyle’s POV

 

“Adeul, dangsin-eun yeojeonhi dangsin-ege`hangug-eseo yeogie yeoja chinguga dangsin-eul gajyeoda jullaeyo?”(anak, hindi mo pa din ba pwedeng dalhin dito sa Korea `yung girlfriend mo?)  Kausap ko si mommy sa phone ngayon, syempre, after ng ilang kamustahan, alam ko namang dito din mapupunta ang usapan. -___________-

“Ani eomma. geuneun haggyo saeng-gyeoseo bappeun.” (Hindi pa mommy. Busy siya sa school eh.) Oo nga pala, alam niyang may girlfriend pa din ako dito sa Pinas. Hindi ko kasi sinabi ni break na kami ni Jenny e. :/ Hindi pa din nila nakikita mga pics namin ni Jenny kasi ayaw niyang ipasend iyon kila mommy. :(

“Jiluham-ui gwontae dangsin appa, Kyle! geunyeoneun yeoja chinguga malhan ‘bogo sip-eo.” (Inip na inip na ang daddy mo, Kyle! Gusto na niyang makita `yung girlfriend na sinasabi mo.)

“Naega geulaeseo geunyeoneun haggyoe danyeoyo bappeun hal su eoui eo?”(Eh ano magagawa ko eh busy talaga siya sa school?) Kulit din ng parents ko no? HAHA

“Geuneun uliga du yeoja chinguga dangsin saeng-gaghaji anh-assgi ttaemun-e sesang-e, simjieo dangsin-ege sajin-eul bonael su eobs-seubnida.” (Hay naku, mag send ka man lang kasi ng mga pictures niya ng hindi kami nagdadalawang isip na may girlfriend ka nga.)

“Ne, najung-e bonaedeulibnida. al-ass-eoyo eomma, nop-eun geub-yeo cheong-guseoga jijeonghal su issseubnida. annyeong cheosjjae.” (Opo opo, sa susunod magpapadala ako. Sige na mommy, mataas na babayaran niyong bill. Bye na muna.)

“Malhala. Annyeong adeul. Ingat-ui kaui daiaen. Angsin-eul saranghae.” (Sige. Bye na anak. Ingat ka dyan. Love you.)

“Nado saranghae. Annyeong.” (Love you too. Bye.) At binaba ko na ang telepono after no`n.

Napahiga ako sa sala at minasahe ko ang ulo ko. Honestly, tumitindi na kakulitan nila mommy day by day! Aish, ano na gagawin ko? Wala pa akong nakikitang magpapanggap bilang asawa ko?! >< At naman di ba, sino namang matinong babae ang papayag sa hinihiling ko?! >___________<

Biglang nagring ang cellphone ko. Hindi pa naman ako nakakapagsalita e nagsimula ng dumaldal ang aking maingay na pinsan na si Ravle. -____-

“`San?! San ka na ba? Kanina pa naghihintay `yung blind date mo dito!” Mula kasi nang sabihin ko sa kanya `yung kondisyon nila mommy e halos araw araw na niya akong sineset-up sa mga blind date. Kahit minsan e nakakabwiset na, naaappreciate ko pa din naman ang ginagawa niya para sa akin. Kaya kahit ayaw ko na, pumapatol pa din ako sa mga kalokohan niya.

“Ito na, ito na. Patayo na. Sabihin mo natraffic lang ako sandali.”

“Bilisan mo! Parang gusto na akong gilitan ng buhay ng babaeng ito e. Kanina pa kasi siya naghihintay! >.<“

“Naku, Ravle. Pag `yan hindi na naman matino ako ang gigilit sayo ng buhay!”

“Whatever man. Bilisan mo na lang. Bye.” At inoff na niya ang cellphone niya. Aish.

Sumakay na ako sa aking sasakyan at nagsimulang magdrive papunta sa hotel. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti ng makita ko `yung gitara nung amazona sa likod ng sasakyan ko. Somehow, naguguilty ako dahil sa ginawa kong pagpapakulong sa kanya. Nag over react lang ako kasi mainit ulo ko no`n, nabalitaan ko kasing may kadate si Jenny na isa din modelo sa UK. Ayan na naman ako. Umayos ka nga Kyle! Alisin mo na nga si Jenny sa isip mo! >:( Let go of the past, dude! Move on! >:(

Nasa gitna ako ng pagmumuni ng biglang may tumawid na babae sa harapan ng sasakyan ko. Buti na lang natapakan ko ang preno kaagad kaya walang nangyaring aksidente. Dali dali akong bumaba ng sasakyan para tingnan kung nasaktan ba `yung babae, pero napahinto ako sa nakita ko. Here in front of me, is Ms. Amazona, crying her heart out…

 

 

 

Chapter Four. Two

Giving me Warmth

 

The sight of her this fragile took my breath away. Parang kagabi lang kayang kaya niyang makipagwrestling sa limang lion ng walang takot, pero pakiramdam ko ngayon e bigla na lang siya matutumba pag hinawakan ko siya. That fact makes me want to protect her badly. :(

Nilapitan ko siya tapos inalalayang makatayo, feeling ko kasi nanghihina na mga tuhod niya. “Okay ka lang?”

“Bulag *hikbi* ka ba? Tingin mo ba… *hikbi* okay ako?!” Ano ba `yan, kahit parang binagsakan na ng langit at lupa para pa ding amazona itong babaeng `to. -___-

“Ewan ko sa`yo. Tara na nga sa sasakyan.”

Buti na lang hindi na siya nagsalita pa at sumunod na lang sa akin. Naman `di ba? Ako na nga ang tumutulong kaya dapat hindi na siya magreklamo. Kung nagkagano`n ihuhulog ko siya sa bangin. Joke hehe. I’m not THAT mean. >:))) Sinakay ko na siya sa kotse tapos nagstart na akong magmaneho papunta sa isang coffee shop.

Tulad ng inaasahan ko, tahimik lang kami habang nagbabyahe. Ayoko namang kausapin muna siya kasi parang ang lalim ng iniisip niya. Sino nga naman kaya `yung nagpaiyak dito ng gano`n no? Tingin ko kasi sa kanya, base sa first meeting namin kagabi, e napakapalaban niyang babae. `Yung hindi kayang paiyakin ng kahit ano mang pagsubok na dumadating sa kanya. The one who made her cry must be really important to her.

Mmmm… siguro boyfriend niya `yung may gawa no`n…

 

 

 

 

 

YAH! WHY AM I FEELING JEALOUS?! >.<

“Hoy, ikaw…” napatingin ako sa katabi ko na para bang nawiweirduhan sa akin. Believe me, kahit ako nawiweirduhan sa sarili ko. “Ikaw `yung lalaking nagpakulong sa akin kagabi `di ba?”

I smirked. And she only realized that now?

 

Alex’s POV

 

Napasimangot ako sa reaksyon nitong tukmol na ito sa tanong ko. Oo na! Slow na kung slow! Eh sa ngayon ko lang siya tiningnan mabuti e, bakit ba? At sa frame of mind ko kanina, hindi ko na masyadong nagawang mag-isip. :(

“Psh. Batukan kita e.” Tumingin na lang ako sa bintana at nagsimulang magmuni muni. Medyo kalmado na ako kaya medyo bumabalik na ako sa dati kong ugali.

“Mabuti naman at okay ka na.” Tumingin ako sa kanya. Is it me or does he sound really relieved? Hmp. Parang kagabi lang gusto na niya akong kainin ng buhay dahil ninakawan ko siya, tapos ngayon naman nag-aalala siya sa akin. “`Wag kang assuming. Kanina pa kasi ako nadidistract sa sipon mo na pilit na tumutulo diyan sa ilong mo. May tissue diyan sa  tabi mo, isinga mo na `yan HAHA!”

“Heh! Ewan ko sa`yo.” Padabog akong kumuha ng tissue tapos siningahan `yon. I saw him wince because of the load noise my nose made while blowing all of it off. Sinadya ko talaga `yon para mainis siya. BWAHAHA! >:))

“Pwede ba?! >:(“

“Ay sorry naman! Wala kasing silent mode itong ilong ko e.”

May sinabi siyang mga salitang hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin. Minumura siguro ako in his korean language :p

Ilang segundo ng katahimikan ang nanaig after niyang sabihin `yun. Nabadtrip talaga siguro sa akin. Ako naman, e biglang nakaramdam ng konsensya. Ano ka ba naman kasi Alex, ikaw na nga ang tinulungan, iniinis mo pa. Hay naku.

“Oi…” umpisa ko.

“Bakit?” Patay! Sungit mode na ang tono niya nagyon!

“Ahemm….well… I just… ganito kasi… ahmmm…”

“Sabihin mo na nga!”

“Fine! Thank you!!!”

“E ba`t ka humihiyaw, nagte-thank you ka na nga?!”

“E hinihiyawan mo din ako e!”

Pareho kaming napatigil sa sinabi huli kong sinabi. Pamaya maya pa ay pareho na lang kaming natawa. Wuuu! Para kaming ewan! Wala namang nakakatawa pero tumatawa kami. RakenRol! \m/

 

 

And then he  just HAVE to break the comfort zone doesn`t he?

 

 

“Bakit ka nga pala umiiyak nung nakita kita kanina?”Natahimik ako at tumingin sa labas. Ano ba naman `yan Alex! Ayan na naman luha mo, tigilan mo na nga `yang pag-iyak!

“Wala `yun hehe.”

“Okay lang kung ayaw mong sabihin sa akin. Sorry for asking.” Huminto `yung sasakyan sa labas ng Starbucks. “Diyan ka lang.”

Tumango na lang ako, wala na kasi akong maisip sabihin. Bumaba na siya at pumasok sa loob ng coffee shop.Tumingin ako sa paligid, baka meron akong mapagkaabalahan habang wala siya dito. Might as well keep my mind preoccupied right? :/

“Wa! Gitara ko `yun ah!” I reached for my violet/green colored electic guitar laying peacefully at the backseat and hugged it.

Langyang lalaki `yon! Akala ko naman binigay niya sa mga kaibigan ko `to, `yun pala kukunin niya. Hey, this is worth more than his twenty pesos! >.< Honestly, other than Emily, ang gitara ko ang pangalawa sa pinakapinahahalagahan ko dito sa magulong mundo ko. Ito kasi lagi kong kasama sa lungkot man o ligaya. At tuwing tinutugtog ko ito, feeling ko nawawala ang lahat ng poblema ko sa buhay. It is like the notes it produces takes me to a whole new, problem-free, world.

Tinanggal ko na `yung bag na pinaglalagyan no`n at nagsimulang tumugtog.

 

 

Click here to hear what she’s plating ^^

 

 

And just when I was about to finish, naramdaman kong may nakatingin sa akin mula sa labas. Sino pa ba titingin sa akin kung hindi `yung tukmol na `yun di ba? ;p

“Kanina ka pa diyan?”

“Oo. Mukhang feel na feel mo ang pagtugtog kaya hindi mo ako narinig na pumasok.” Napatingin ako sa hawak niya. Dalawang cup ng kape? Hindi naman to adik sa kape no? HAHA! “Anong nginingisi ngisi mo diyan?”

“None of our business >:p”

“Aish. Oh, inumin mo ito.” sabi niya sabay bigay sa akin ng isang cup.

“Sa akin `to?”

“Hindi. Sa multong katabi mo.”

“Whoa! Bilis mo namang mairita, brod! HAHAHAHA!”

“Akin na nga ulit `yan!”

Nilayo ko sa kanya `yung cup ng tangkain niya itong kunin sa akin. “Weh. Wala ng bawian. Binigay mo na eh HAHA.”

“Aish. Seong-gasin nyeoseog. Uliga sim-yeon-e ppajida eo.” (Annoying brat. Ihulog kita sa bangin eh.) Ano daw? Masagot nga din ng intsik HAHAHA!

“Oh Feng-shui, feng-shui.”

“Ano?”

“Wala. HAHA! Slow mo din e. >:))” I drank my coffee happily. Somehow, natouch ako dahil binili niya ako nito kahit na iniinis ko siya at feeling ko e badtrip na badtrip na siya sa akin. And that realization somehow brought me warmth. Na may ibang tao din palang nag-aalala sa akin, kahit na nga ba hindi ko masyadong kilala `yung tao na `yun at napakasama pa ng first meeting namin.

“Hey, Kyle?”

“Oh?”

“Thank you.” And I flashed him my most genuine smile. That’s the first time na ngumiti ulit ako ng gano`n.

“Eh… no prob…” Ininom na ulit niya ang kape niya.

And although hindi niya aminin kahit saksakan ko pa siya ng kanyon sa bibig, I know I am seeing him blushing right now.

 

 

Chapter Five

The REVISED offer

 


After what seems like an eternity, dinala niya ako sa isang zoo. Nang malibang libang man lang daw ako. Weh. Bata ba? HAHAHA!

Pero true enough, nalibang din naman talaga ako do`n. First time ko kasing makapunta ng zoo e. :>

“Waaa! Kyle tingnan mo `yun oh! Giraffe!”

“Nakikita ko po. Hindi ako bulag.”

“Tara pakainin natin! Pwede naman `di ba?”

“Teka, tanungin natin `yung care taker dun.”

Pagkasabi niya no`n e kaagad ko siyang hinila papunta do`n sa caretaker. HAHA, bagal kasing maglakad e. Feeling siguro nasa music video siya >:p

“Manong, excuse me po.”

Humarap naman sa amin `yung care taker na parang nasa mid forties na. “Ano po `yun?”

“Kuya pwede ba naming pakainin `yung giraffe?”

“Oo naman. Pero may bayad `yun.”

“Weh. Kami na nga magpapakain, kami pa magbabayad?”

“Gano`n po talaga.”

“Oh sige. Thank you na lang po.” Hinila ko na si Kyle paalis dun. Alam kong naka-pout ako pero hindi kko talaga mapigilan e,  gusto ko talagang maranasan magpakain ng giraffe! >.< Ayoko naman nang abalahin pa si Kyle kasi nakakahiya naman kung siya pa magbabayad no`n. Mahal na nga ng kape at ng entrance dito e. :(

“Alam mo, para kang bata.”

“And so?”

“Hay naku, tara na nga.” And with that, siya naman ang humila sa akin pabalik do`n sa care taker. Hilahan day ba itech?! HAHA

“Manong, magkano `yung pagpapakain sa giraffe?”

“Fifty pesos po per person”

“Sige po, ito oh.” sabay abot ng malutong na one hundred pesos. Aba, ngayon ko lang napansin na umaasenso na  `tong koreanong `to. HAHA, parang kagabi lang e bebente lang laman ng wallet niya HAHA! Syempre, hindi katulad ng ibang babae na nagpapakipot pa e, hindi ko na siya pinigilan sa disisyon niya. `Yung iba kasi sasabihin, “Ui, wag na. Nakakahiya naman e. Iba na lang.” and stuff, kahit na kitang kita mo naman na gusto nila. Hey, he did that on his own free will so wala ng kaartehan na ganun, sulitin niyo na lang di ba? :))

Hinatid na kami ni manong dun sa feeding station churva at binigay na din niya sa amin `yung pagkaen nung hayop. Binigyan din niya kami ng safety tips syempre.

So yun, inextend ko naman `yung kamay ko at nagsimula ng kumain do`n yung giraffe. Wiii! Tuwa ako HAHA!

 

Kyle’s POV

 

Tiningnan ko si Alex na tuwang tuwa sa pagpapakain ng giraffe. HAHA, kala mo napaka hard core ng babaeng to e, `yun pala parang bata kung matuwa. Feeling ko tuloy first time niyang makarating dito sa zoo. :))

“Alam mo, sir… kahit hindi man halata, bagay na bagay kayo ng girlfriend niyo.”

O_O Whosmygirlfrendhuwatnow? “Ah… manong….”

“Pero sa totoo lang po, natakot ako sa kanya kanina. Para po kasi akong kakainin ng buhay e.”

“HAHA! Hindi na po nakakagulat `yan.” Ikaw ba naman ang makakita ng babaeng parang kung saang kulto mo nakita e hindi ka naman siguro matakot di ba? >:p

“Alam niyo po ba, ang sabi sa akin anak ko, ang mga ganyang tao e `yung mga tipong maraming problemang pinagdadaanan.”

Tiningnan ko ulit si Alex. Gano`n nga ba kalaki ang problema niya kaya sumabog na lang siya kanina?

Huli na para bawiin ko ang tingin ko kasi bigla siyang napatingin sa akin. Patay ka ngayon Kyle Kim. “Oh anong tinitingin tingin mo diyan?”

“Feeling mo naman, `yung kabayo sa likod mo tinitingnan ko.”

“Whatever dude.” Pinagpag niya ang kamay niya at lumapit sa akin. “Tara na, kain tayo. Gutom na ako e.”

“Sige.” Pinagpag ko na din ang kamay ko at nagpaalam na kami sa care giver dun. Pero montik na akong matapilok sa huli niyang sinabi.

“Hinay hinay lang po kayo sa pag p-PDA ng girlfriend niyo, HAHAHA!”

 

 

 

 

Kumakain na kami sa Jollibee malapit doon sa zoo. Phew! Buti na lang at hindi niya narinig `yung sinabi kanina ni manong kundi sobrang awkward nito -____-

“Sa`n nga pala `yung bahay niyo? Ihahatid na kita.”

Napansin ko na napahinto siya sa pagkain at medyo dumilim ang mukha. Damnit, Kyle! Ano na naman ang sinabi mo?! “Sorry…”

“Wala na akong uuwian e. Pinalayas na ako sa bahay.”

“Ha? Pano—-“

“…”

“I’m sorry.”

“Bakit ba sorry ka ng sorry? Wala ka namang ginagawang masama ah.”

“Ako na lang muna mag-so-sorry dahil sa ginawa nila sa`yo.” Nakita kong naiiyak na naman siya, pinipigilan lang niya. Think, genius! “Sa`n ka tutuloy ngayon?”

She shrugged. “Ewan ko. Ayaw ko naman na makitira sa bestfriend ko, masyado na akong nakakaistorbo sa kanya.”

“Gusto mo sa akin ka muna makitira?” O_O Did I just say that?

“Are you serious?”

“Ah… oo ata?”

“Hey, don`t  joke about that. Not funny. Psh.”

And then an idea just popped in my head! HAHA! “Okay. Okay. Remember `yung deal na binigay sa`yo ni Ravle kagabi?”

“Ano naman kinalaman nun dito?”

“Ganito. I need you, you need me. Let’s help each other. Patitirahin kita sa bahay ko, no rent or electricity or water fee. Free food na din. All you need to do is pretend to be my girlfriend until maibigay na sa akin ni daddy `yung company niya. Ok?”

“One little problem…”

“Don`t worry. Hindi kita pag iinteres-an. Remember, you are not my type.”

Natawa ako sa sagot niya HAHA, she showed me her middle finger kasi.

“O anu na?”

“Fine! Pero pag binigay na sa`yo yung company, this deal is so over.”

Nagshake hands kami as a sign na okay na `yung deal namin.

Kyle Kim, your problems are now solved!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

I hope…

 

 

 

 

Chapter Six

Living with him

 

 

Alex’s POV

 

I woke up from the constant ringing of my cellphone. I covered my head with a pillow and tried to ignore the ear breaking sound it’s producing and prayed that to God it will stop. But it didn`t. Ay pOta! Patulugin niyo ako! 5 pa lang ng madaling araw! >:(

” ~I love you, you love me, we are a happy family….~  ” (A/N: Oo, `yan ang ear breaking sound para sa kanya hahaha. Saya palang umepal sa story, makaepal na nga from now on HAHA)

Okay! That’s it! Kinuha ko `yung cellphone ko sabay hiyaw ng “ANO?!!”

“Aray naman Lexi! Ang maganda kong ear drums gusto mo bang basagin?!” Sam Fernandez, you are so dead. Hindi ba nila alam na nagiging dragon ako pag nabibitin ang tulog? >:(

“Ang aga aga kasi nambubulabog ka e! Bakit ka ba tumawag?”

“Ah, wala lang, sasabihan lang sana kita ng good morning HAHA!”

“Sam.” I said through gritted teeth.

“Joke lang ito naman! HAHA! Asan ka ba? Pumunta kami sa city hall kahapon para sana ilabas ka kaya lang nakalabas ka na daw. Wala ka naman kila Emily, tapos nung tumawag ako sa inyo para magtanong pinagbabaan lang nila ako ng telepono. Haay.”

“Ah sorry, nakila Ka—–“ and then bigla kong naalala `yung mga rules na napagkasunduan namin ni Kyle kagabi tungkol sa pagtira sa bahay niya. Buti na lang napigilan ko pa ang dila ko hehe.

“Ka?”

“Ka….turneng…” Okay, now that sucks.

“Sino si Katurneng?”

“Tito ko?”

“Bakit may question mark dun?” he said, suspicious.

“Bakit ba ang dami mong tanong, Sam?”

“Alam mo kasi, Lexi, ako e nag-aalala lamang sa`yo. Ayokong may masamang mangyari sa`yo.”

“Sagutin mo na kasi, Alex!” hiyaw ng kakambal niya sa background.

“Heh!….. Hoy! `Wag mong ubusin `yung salmon natin!” Salmon my ass HAHA :))

“Weh. Tinapa lang `yan eh HAHA.”

“Tama ka! Nagpapasikat lang `yung kakambal ko sa`yo!”

“Anthony dudukutin ko na `yang throat mo e! Shaddap!”

Natawa na lang ako sa kambal. So maaring nagtataka kayo kung bakit gano`n yung naging turn ng conversation `di ba? Walang malisya `yun, hinaharot lang talaga si Sam sa akin kasi ako lang `yung babae kung saan siya napaka overprotective. Oh di ba? Napaka na, over pa! :)) Pero alam ko naman na kaya ganun siya e dahil kapatid na `yung tingin niya sa akin. Though, aminin ko man o hindi e may konti akong crush dun. Hihi, secret lang natin `yung kalandian kong `yun ah? ;)

“Oi…” sabat ko “tuloy ba gig natin mamaya?”

“Oo naman. Doon uli sa bar nila Ravle, gagawin na daw nilang regular doon kung pwede.”

“Ano naman sabi ni Dylan tungkol diyan?”

“Um-Oo naman siya. Maganda nga naman `yun `di ba? At least may pera na tayo araw araw HAHA.”

“Alex, gising ka na ba?” Narinig kong sabi ni Kyle habang kumakatok sa pinto ko.

“Lexi sino `yun?” Uh-oh. Sabi na eh. Think alex! Think! Utak gumana kaaaaaaaaaaaaaa!!!!!

“Ah…eh…si Katurneng `yun. Katurneng lalabas na po ako mamaya! May kausap lang po ako! MAY KAUSAP LANG PO AKO SA CELLPHONE!” Tanga na lang siya pag hindi niya nagets `yung message `di ba? So he stopped knocking, thank God. “Er, listen Sam, kailangan ko ng umalis. Hinahanap na ako e.”

“Sige, kitakits na lang mamaya beb. Bye.”

“Bye.” Buti nakalusot  hehe.

Tumayo na ako at binuksan `yung pinto. Tiningnan ako ni Kyle at nakita ko siyang ngumiwi. Okay? What’s his problem?

“Wut?”

“Tumingin ka sa salamin.”

At dahil masunurin akong bata e ginawa ko naman `yun. Only to realize na parang dinaanan ng sampu`t kalahating bagyo `yung buhok ko, may muta sa mata at nakapanty lang ako. Wait. Ano? Naka…. “Waaaaaaaaaaaaaaaa!!! Isarado mo `yang pinto kung gusto mo pang sikatan ng araw!”

“Okay, okay. Geez.” and with a laugh, he closed the door. Grabe! Nakakahiya ka Alex! Sobra kang nakakahiya! >.<

 

 

 

After kong ayusin ang sarili ko, at pakalmahin, bumaba na ako sa sala kung saan nakita kong nanunuod si Kyle ng news sa TV. Oo nga pala, kagabi pa ako lumipat dito pagkatapos namin kumain sa Jabi. Kagabi di namin napagkasunduan na wala dapat makaalam na nakatira ako sa kanya kase malaking eskandalo nga naman  `yun di ba?

Umupo ako sa tabi niya at kinuha `yung remote. Nagsimula akong magbrowse sa mga channels.

“Nanunuod ako `di ba?”

“Boring kaya ng pinapanuod mo!”

“At least may matututunan ka, di katulad niyang mga pinapanuod niyong mga drama drama. Wala kayong mapapala kung hindi ang pagdedaydream na sana ganun din yung maging love life mo.”

“Weh. At bakit alam mo? Siguro… :))) “

“Ewan ko sa`yo! Magluto ka na nga!” sabay kuha ng remote. Guilty! HAHA

“Pero hindi ako marunong magluto!”

“Gawan mo ng paraan, ikaw nakaassign ngayon e!”

“Fine!” So yeah, nakalimutan kong sabihin na bukod dun sa walang makakaalam thingy, napagdesisyunan din namin na hatiin `yung gawaing bahay dito. So malas niya kasi inaassign niya ako sa pagluluto M-W-F. Hindi pa naman ako marunong magluto. Pagtiisan na lang niya HAHA! :)))

So ayun na nga, pumunta na ako sa kitchen at nagluto. Hindi ko na inanarrate kung ano ang niluto ko at paano ko siya ginawa kasi hindi din marunong magluto ang author HAHA.

 

thirty awesome minutes later, oyea \m/…

 

Nakaupo na kami ngayon ni Kyle sa table, and honestly, nabubuset ako kasi tinitingnan lang niya `yung pagkain sa harapan niya. Fine, I admit that may karapatan siyang magreact ng gano`n kasi medyo sunog `yung scrambled eggs ko at yung bacon, at ganun din `yung hotdog, pero sana naman maappreciate pa din niya yung effort ko sa pagluluto di ba?

“Hoy, Kyle, medyo nakakainsulto na `yang titig mo sa niluto ko ah?”

“Is this even edible?”

“Akin na nga `yan!” Binawi ko sa kanya yung pagkain niya at nilagay sa harapan ko “Kung ayaw mo, `wag mo!”

“Aish, ba`t nangunguha ka ng pagkaen ng may pagkaen?” and then inagaw niya ulit sa akin yun.

“Ayaw mo naman `di ba?” Alam niyo na ginawa ko

“Walang `di masarap sa taong gutom!” Alam niyo na din ginawa niya. And you know what I did next? Hinampas ko sa kanya yung upuan and left him bleeding in the kitchen. JOOOOKE! :))) Baka mapatay ako ng mga readers at ng author pag ginawa ko `yun HAHA.

“At anong ibig sabihin mo do`n?!”

“Sloooooow! >:)”

Aba`t! Sobra na kung makainsulto `to ah! `Di ba niya alam na isa din akong taong may puso`t damdamin na nasasaktan? Naks :)))) So anyway, para makaganti, binato ko sa kanya `yung kutsara ko. Wuuu! Sapol sa noo! Bwahahaha!

“Aray! Ano ba problema mo?!”

“Pa`no naman kasi kung makainsulto ka kala mo hindi ako naaapektuhan!”

 

 

 

 

 

 

 

 

 


4 responses to “When I Found My Match ♥

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: