Victory is Mine! >:)

Promo board is a really big deal for all of us here in FEU-NRMF. This is the day na malalaman mo kung pasado, magreremovals o bagsak ka sa subjects mo. Our last promo board as a freshman was held last April 11, 2011.

So okay. I know that I’m the sort of girl who doesn`t really get nervous during such times, but then this one is different. First time kong makaramdam ng matinding kaba at takot sa magiging kapalaran ko dito sa mga pamatay kong asignatura (Naks!). Don`t get me wrong, hindi ako nagpabaya sa aking pag-aaral, I actually studied 10% harder than what I usually do, pero ewan ko ba, siguro talagang tinakda ng kapalaran na maging mababa lagi ang mga grades ko sa Biology. `Yun lang naman `yung subject talaga na alanganin ako e. The rest I know na pinasa ko.

So yeah, I sucked in that subject. 60% ang prelim exam ko, 73% naman ang midterm exam ko, and my finals, well, I can`t say kung pinasa ko siya o hindi kasi hindi naman samin binigay ulit yung test papers. Kung pasado man ako, baka pasang awa lang.  So sino hindi kakabahan dun `di ba?!  Kung magreremovals man ako e alam kong titindihan ni sir `yung ibibigay niya sa aming exam. And if that happens, I know that it’s the end of my dream of being a regular student up until graduation. Konti lang kasi `yung hindi nagiging irreg sa school namin e, especially sa course ko, and I want to make sure na kabilang ako sa konting `yun. If not, then I’m dead.  I don`t want to disappoint my parents you know.

Five agonizing hours later, dumating na din `yung resulta ng exam. I quickly ran towards the MedTech office (since dun nakapost `yun), and searched for my name. When I found it though, and saw that I passed EVERYTHING, I was so extremely happy that I even treated my friends to R & B (Read & Blues. It’s sort of a coffee shop at the back of our school. Pwede na tong ipanlaban sa Starbucks actually!). Oyea! Victory was surely mine! It made me feel that I DEFEATED Biology! Bwahahaha! 

Though sadly, one of my friends, Cla, failed Soc-Anthro. Well, I know naman na ipapasa niya `yon next sem e. Aja Cla! I know na kaya mo `yan!  

ANOTHER STORY THAT HAPPENED THAT DAY.

After quite sometime, I became close to this two Koreans named Hayoung and Yohan. Classmates ko kasi sila e, tapos naging friend ko pa si Charmine na friend din nila. Between the two, mas close ako kay Yohan. HAHA. Kulit kasi niya eh. As in super! `Yung tipong `di mo alam kung matutuwa o mawiweirduhan ka na sa kanya, HAHA.  And he has this girlfriend na super duper possessive sa kanya. He told me na may nagtext lang daw sa kanya ng “Hi” na babae eh sinampal na siya ng gf niya. (YEAH, IKR! :))) ). Kahit kami nga pinagseselosan niya e. Well, except for Hayoung though, takot kasi siya do`n eh :P. So yeah, Yohan and I decided to go to the canteen and eat something since Cha and Hayoung was still not there. (Nilibre niya ako ng super laking ice tea since sabi ko nauuhaw ako HAHA). So we are talking and talking when his girlfriend saw us and boy was she jealous! She like glared at us and texted Yohan “I Hate U” twice. Scary right?  But nagkaayos din naman sila kahit papano. (Pero pinagseselosan pa din niya kami though.) Si Yohan, Hayoung ang Cha `yung sinasabi kong nilibre ko dun sa R&B, and gusto ding sumama sa amin nung gf niya. Buti na lang nakumbinsi ni Yohan na huwag ng sumama `yun since `yun na `yung last bonding naming apat. Aalis na kasi si Yohan pabalik ng Korea para magmilitary. ( Requirement kasi na pumasok dun `yung mga lalaking Korean for two years eh. Per babalik naman din siya dito sa Pinas after nun. ^^. ) Thank gaad hindi siya sumama, awkward kasi kung nagkataon eh. `Di namin maeenjoy `yung moment HAHA.

End. 


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: