EYEBAGS WEEK!

OKAY! Katatapos lang ng aming hell week.

Overall, masasabi kong a million times much harder `yung sem na ito kesa sa last dahil sa mga bago naming subjects. (Ehem…. Analytical Chemistry and Physics…) Like, hindi katulad nung highschool, dito, hindi pwede `yung paeasy easy na lang, kasi kung `yun ang ginawa mo, ha! HINDI KA NA MAKAKAPAG-ENROLL SA SECOND YEAR! >:)

So rewind tayo last week…

Syempre, super duper kinakabahan kaming lahat dahil nga exam na. Actually, yung Anachem at Physics lang naman talaga ang dahilan kung bakit kami kinakabahan ngayon. Hindi kasi namin magets mga lesson do`n e, kaya ito tuloy. Pero naintindihan ko naman `yung p6 after ng matinding pagrereview dito. Turns out na madali lang pala `yung lesson. I’m just not paying attention during discussions kaya parang naging mahirap HAHA! 

So the days flew by flawlessly. Until dumating na ang pinakakinakatakutan kong araw… SATURDAY. The day we are scheduled to take our exam on Analytical Chemistry.

Honestly, hindi ako natulog buong magdamag para riviewhen lang ang hinayupak na subject na `yan na kung saan chapter 4 and 9 lang naman ang itetest namin. Chapter 4 medyo gets ko pa e, pero `yung isang chapter, HINDI TALAGA. As in feeling ko kailangan mong reviewhen `yung buong book para matutunan ko `yun. I would have done that given I have more time than just 12 hours and so to review. 

So yeah, I am not that confident nung nag exam kami… but so did the rest of the first year student body. HAHA, proctor namin `yung prof do`n and may mga pumupunta sa kanyang mga estudyante saying kung pwede kaming mag open notes para may pattern kaming masusundan. Hah! As if may maitutulong `yun di ba? 

Buti na lang mabait si Sir Medina (prof naming lahat sa Ana Chem) dahil may sixty percent pa din kami sa exam kahit wala kaming maitama sa walong problems na binigay niya. Ayaw din kasi niyang may bumabaksak dito kaya ayun :)

Present day…

Now, pahinga na muna ako dito sa bahay. Bawi muna sa tulog at sa kakulangan sa pagkain ng pagkain dahil sa kakareview. Pero hindi pa namin Christmas break, kaya papasok pa din kami next week -_____-


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: